Sa Lilim ng Isang Punungkahoy
Alberto Segismundo Cruz
(Liwayway, Marso 23, 1953
Nailathala muli ng Asian Journal San Diego noong Marso 25, 2011)
Ako’y isang punungkahoy. . . Nguni't hindi ako namumunga. Hindi ako namumulaklak. Ang silbi ko'y magbigay lamang ng lilim sa dampa at sa bakurang aking kinaroroonan. Masibol na akong punungkahoy nang ipagbili ng dating may-ari ang dampa at bakurang iyon kay Mang Sendong, isang lalaking dayuhan sa aming pook, walang nakaaalam kung saan galing. . . at dala ang isang sanggol na wala pang anim na buwan.
— Nabalitaan kong ipinagbibili ninyo ang inyong dampa at bakuran. . . at ang inyong bukid sa libis, — narinig kong wika ni Mang Sendong sa dating may-ari. — Ibig ko pong bilhin kung. . . tayo'y magkakasundo. Nguni't naging madali ang pagkakasundo.
Sa halagang itinuring ng may-ari'y hindi na tumawad si Mang Sendong.
— Ang aking anak ay ulila na sa ina. . . — narinig kong sinabi ni Mang Sendong, upang kaipala'y sagutin ang pagtatanong na ipinahihiwatig ng may-ari sa pagtingin-tingin sa sanggol na nasa bisig ng kausap.
— Namatay ang kanyang ina nang siya'y isilang... at ako ngayon ang ina at ama niya! --
Makailang araw lamang ay lumipat na ang mag-ama sa dampa. Mula noon ay napaukol ang aking pansin kay Mang Sendong at sa kanyang anak. Nakita ko kay Mang Sendong ang dapat hangaan sa isang lalaki -- ang siya'y maging ama't ina ng kanyang anak. Maaga siyang bumabangon upang gumatas sa kanyang inahin — iyon ang ipinasususo sa sanggol. Masipag siya. Habang gumagawa siya sa kanyang bukid ay pasaglit-saglit siya sa bahay upang tingnan ang kanyang sanggol. Ang mga halaman sa kanyang bakuran ay alagang-alaga rin niya - ang mga puno ng mangga, bayabas, santol at tsiko, na sa masinop na pagpapala niya'y masaganang nagsisipamunga. Ang kaliit-liitang sulok ng looban ay napapakikinabangan ng mga alaga niyang mga baboy at manok.
Kahanga-hanga ang pagsisikap niya sa kabuhayan, at sa palagay ko, ang lahat ay ginagawa niya alang-alang sa kinabukasan ng kanyang sanggol. Madalas na si Mang Sendong ay nagpapahingalay sa aking lilim. Hindi nakakaila sa akin ang kanyang kalumbayan.
Naririnig ko ang kanyang mga bunting-hininga. May pangalan ng babaeng lagi niyang tinatawag-tawag: — Priscila! Priscila! — Naririnig ko rin ang may panambitan niyang sambitin: — Ano ang nagawa kong pagkukulang at nilisan mo ako? — Sa simula'y hindi ko maunawaan kung ano ang kahulugan ng kanyang mga binibigkas.
At sa maraming pagkalagas ng aking mga dahon at sa pagsusupling na muli ng aking mga sanga, ay nasaksihan ko ang unti-unting pagsibol ng anak ni Mang Sendong. Priscila ang kanyang pangalan, Ngayon, ang kanyang malilikot at mumunting paa'y naghahabulan na sa bakuran. At nasasaksihan kong tila unti-unting nagkakakulay ang buhay ni Mang Sendong. Sumasaya na siya.
Kung hapon, hindi na si Mang Sendong lamang ang nauupo sa aking lilim. Kapiling na niyang nauupo sa paanan ko si Priscila. Matabil si Priscila. Marami siyang itinatanong; mga tanong ng kamusmusan.
Minsa’y narinig kong sabi ni Mang Sendong sa kanyang matabil na anak. —- Marami ka pang hindi maiintindihan. Nguni't paglaki mo'y saka mo malalaman ang mga sagot...
Marami akong narinig na ikinuwento si Mang Sendong kay Priscila — ang kuwento ng Sanggol na ipinanganak sa sabsaban, ang pastol na si David na sa lilim ko nangaganap ang mahabang kasaysayan na karugtong ng pighati, pakikipaglaban sa higante, ang batang si Jose na ipinagbili ng kanyang mga kapatid.
Sa kabaitan iginising ni Mang Sendong ang anak.
—Ibig kong maging mabait ka, anak... — narinig kong sabi pa ni Mang Sendong, na napabuntung-hininga at napatingin sa malayong parang may nagugunita. — Nguni't ikaw ay maganda... mabibilog ang iyong mga mata... maitim at malago ang iyong buhok… maganda ka, nguni't... hindi ka rin magiging maganda kung di ka magiging mabait.
-—Magiging mabait ako, Tatay... magiging mabait ako. . . — sagot ni Priscila at yumapos siya kay Mang Sendong. Nakita kong nangingilid ang luha sa mga mata nang hagkan ni Mang Sendong ang anak.
Nasubaybayan ko ang paglaki ni Priscila. Pinapag-aral siya ni Mang Sendong at nakarating hanggang ikalawang taon ng haiskul. Si Mang Sendong ang matiyagang naghahatid at sumasalubong sa anak sa pagpasok sa paaralan sa kabayanan. Nang magdalaga si Priscila ay iningatan ni Mang Sendong ang anak na tulad sa isang mahalagang hiyas. Iminulat niya kay Priscila na ang kalinisan ng isang dalaga ay “maningning pa sa mga bituin sa langit kung ang puri ay dalisay at walang bahid-dungis”.
Nguni't isang araw, sa tahimik na pamumuhay ng mag-ama na tila hiwalay sa labas ng daigdig, ay may napaligaw na isang binata. Nakaupo isang umaga sa aking lilim si Priscila nang lumapit sa kanya ang binatang iyon at magalang na bumati. Nakita ko ang biglang pamumula ng mga pisngi ni Priscila, at parang isang mailap na ibong nagipit kaya lamang hindi agad nakalipad sa malayo.
— Ipagpatawad ninyo ang paglapit ko, Binibini... — sabi ng binata na nakapamintana sa mga mata ang paghangang di maikaila sa pagkatitig kay Priscila. — Malungkot lang talaga ang walang kakilala sa isang pook, kaya di man dapat ay nangahas na akong lumapit upang makipagkilala. . .
-- Aba, e... e... — at utal sa pagsasalita si Prisciia. — tatang ko po e . . . — at napaurong siya at tinanaw si Mang Sendong na lumalakad na palapit at iniwan ang ginagawa sa duluhan nang makitang may kausap si Priscila.
Magalang na nagbigay ng magandang umaga ang binata.Nagpakilalang siya’y si Milo Verdeflor, isang manunulat. Nagbabakasyon sa pook na iyon. Walang kakilala at nasasabik magkaroon ng kausap.
— Kayo ang pinakamalapit sa aking kinatitirahan. . . — nasabi pa ng binata, at sinulyapan si Priscila na nasa likuran ng ama. -- Natatanaw ko kung gabi ang liwanag ng inyong ilaw, kaya naisip ko pong magsadya naman dito sa inyo upang makipagkilala. . . --
Mula noon, si Milo ay madalas nang dumalaw kina Mang Sendong. Madalas silang nag-uusap sa aking lilim.
-- Mabait at magalang si Milo. Madaling nagkahulihan sila ng loob ni Mang Sendong. Maraming naibabalita si Milo — ang matuling pag-unlad ng Maynila, ang malakas na pagsulong ng karunungan, at ang mga nagaganap na pangyayari sa iba't ibang panig ng daigdig. Kung dumarating si Milo na si Mang Sendong ay gumagawa sa kanyang bukid sa libis, ay si Priscila na ang tumatanggap sa binata. Nahalata kong si Milo ma'y madaling kinalugdan ni Priscila. Madalas na namamasyal sila sa bukid at kung umuuwi'y may dalang mga bulaklak na ligaw. Kung nauupo sila sa aking lilim ay napapakinggan ko ang kanilang pag-uusap, Ikinukuwento ni Milo kay Priscila ang buhay sa Maynila, ang mga kasayahan, ang sine, ang mga naitklub. Nakikita kong kumikislap ang mga mata ni Priscila sa kaligayahan.
—- Nguni't lahat ng iyon ay pagsasawaan mo. . . — minsa'y narinig kong sinabi ni Milo.
— Hahapuin ang buhay mo sa walang tigil na pag-inog ng buhay roon. Sa palagay ko'y naririto ang tunay na buhay. . . walang ingay na nakababagot, nakakausap mong palagi ang iyong sarili sa katahimikan. . . Malapit sa kalikasan, kaibigan ng punungkahoy na ito, ng bukid, ng mayayamang lupa... walang pagbabalatkayo ang lahat ng bagay. . .
— Oo nga, Milo. . . — at napabuntung-hininga si Priscila.
— Maligaya ako sa ibinabalita mo sa aking Maynila. Nguni't sa puso ko'y nakatanim ang lahat ng naririto. Ito ang aking daigdig... Katulad ko ang punungkahoy na ito na kapag binunot sa kinatatamnan ay walang salang mamamatay...
At nakita kong hinawakan ni Milo ang isang kamay ni Priscila.
— Kung mapaniniwalaan mo lamang... — anang binata. — Mula nang makilala kita, ang daigdig mo'y inari ko na ring aking daigdig. sapagka't kung saan ka naroroon ay naroroon ang aking ligaya. . .
Nanatili si Milo na hawak ang kamay ni Priscila. Kapwa nakasandig ang kanilang likod sa aking puno at nakatingin sa malayo at tila nangangarap. Nguni't hindi ko sila mapagpagunitaang lumalapit si Mang Sendong.
Nang makita ng matanda ang kanilang ayos na magkahawak ang kamay ay napatigil si Mang Sendong, at pagkatapos ay yuko ang ulong tumalikod.
Hinatinggabi si Mang Sendong sa pag-iisip sa tabi ng aking puno nang gabing iyon. — Kalikasan ng buhay ang umibig... — narinig kong ibinuntung-hininga niya. — Hindi ko siya mahahadlangan kung hangad ko rin lamang ang kanyang kaligayahan. --
Hindi nagtagal at nasaksihan ko sa bakurang iyon ang isang tahimik na kasal. Walang hangad si Mang Sendong liban sa kaligayahan ni Priscila. Ang tanging hinihingi ni Mang Sendong kay Milo ay huwag lamang ilayo sa kanya ang anak na tanging aliw ng kanyang kaluluwa.
—Iyan po ang napagkayarian naming talaga ni Priscila, — sagot ni Milo. — Naririto po ang kanyang kaligayahan at di ko siya maiaalis dito. . .
Paminsan-minsan lamang kung lumuwas ng Maynila ang mag-asawa. Ilang araw lamang kung mamalagi sila roon at bumabaiik na muli. Kung naiiwang mag-isa si Mang Sendong, ang kanyang mga sandali'y madalas na paraanin sa pag-upo sa aking lilim na parang may malalim siyang iniisip, at madalas tuloy na manasa kong matunghayan ang tunay na laman ng kanyang puso.
Isang araw na wala ang mag-asawa, isang babaeng may katandaan na ring katulad ni Mang Sendong ang tumawag sa dampa. Nang walang sumagot ay naupo ang babae sa hagdan. Mula sa bukid ay dumating si Mang Sendong at gayon na lamang ang pagkagulat niya sa pagkakita sa babae.
— Priscila! — nabigkas ni Mang Sendong.
— Oo, Sendong... —anang babae na parang mapapaiyak, — hindi mo akalaing matatagpuan kita rito. Nguni't marami nang taong naghahanap ako... ipinagtatanong kita... salamat na lamang at may nakapaghimaton din sa akin...
— Nguni't bakit pa, Priscila? Bakit pa ? — nagugulumihanang sagot ni Mang Sendong.
— Nagkasala ako sa iyo't sa ating anak. Panahon ang nagpadala sa akin sa malaking pagkakasalang aking nagawa. Maikli na lamang ang aking buhay. Ibig kong makahingi ng tawad sa iyo at makilala ang aking anak. . . --
— Matagal ko nang natutuhang patawarin ka, Priscila... — sagot ni Mang Sendong na gumagaralgal ang tinig. — Napawi na ng panahon ng pagdaramdam ko sa iyo. . . Nguni't ukol sa iyong anak, kay Priscilang iyong anak. . . — patuloy ni Mang Sendong, — hindi ka na dapat pakilala sa kanya. Akala niya'y matagal ka nang patay. Maligaya siya sa piling ng isang marangal na lalaking ngayo'y kanyang asawa. Hindi siya magiging maligaya kung malamang ang kanyang ina'y may madilim na kahapong pinagdaanan. . . --
— Nguni't hindi na niya kailangang ako'y makilala pa, Sendong. . . — at malungkot na napaiyak ang babae. — Ibig ko lang mapalapit sa piling niya. Mapaglingkuran siya kahit paano. . . ibig kong madama kahit sa maikling panahon ang kaligayahan ng isang pusong-ina na aangkin sa kanya kahit sa sarili ko man lamang. . . sabi nito.
— Nguni't ingatan mong huwag kang makilala niya . . . --
Minsan pang ipinakilala ni Mang Sendong, ang kadakilaan ng puso niya. Nguni't sa ibabaw ng kapyang pagpapatawad ay sinikap niyang maingatan ang kaligayahan ni Priscila.
Nang magbalik sa bahay ang mag-asawang Priscila at Milo ay ipinakilala ni Mang Sendong sa anak ang matandang babaeng dinatnan. — Si Silang ay kamaganak kong malayo . . . — anang
matanda. — Dito siya maninirahan sa atin upang makatulong mo. At pagkaraan ay nanaog na si Mang Sendong. Pinabayaan niyang magkaharap ang mag-ina. Saglit siyang napatigil sa aking
lilim. May kalungkutan akong nabakas sa kanyang mukha.
-- Ina rin siya ng aking anak — narinig kong usal ni Mang Sendong. — At di ko maipagkakait sa kanya ang kaligayahan ng pusong-ina. Maiingatan din niya ang kaligayahan ng aming
anak. --
At lumakad na si Mang Sendong na patungo sa kanyang bukid sa libis. Sa pagkakatalikod niya'y nakita kong may pinapahid siya sa kanyang mga pisngi.
Tagalog Short Stories
SA LILIM NG ISANG PUNUNGKAHOY
Ni Alberto Segismundo Cruz
Liwayway, Marso 23, 1953
Nailathala muli ng Asian Journal San Diego noong Marso 25, 2011

Nang magbalik sa bahay ang mag-asawang Priscila at Milo ay ipinakilala ni Mang Sendong sa anak ang matandang babaeng dinatnan. — Si Silang ay kamaganak kong malayo . . . — anang matanda. — Dito siya maninirahan sa atin upang makatulong mo. At pagkaraan ay nanaog na si Mang Sendong. Pinabayaan niyang magkaharap ang mag-ina. Saglit siyang napatigil sa aking lilim. May kalungkutan akong nabakas sa kanyang mukha.