Magpinsan
Ni Amado V. Hernandez
"Magandang araw po." Pamimintana ni Ligaya sa kanilang durungawan ay isang liham ang inihagis sa kanya ng tagahatid sulat na nagbigay ng "magandang araw." Marahan niyang ginupit ang isang dulo ng sobre, tiningnan, nangunot ang noo at saka napahalakhak ng malakas.
"Ha, ha, ha. Nasisira yata ang ulo ni Nestor!" ang nasabing tatawa-tawa.
Ang totoo ay hindi sukat akalain ni Ligayang makapangangahas si Nestor na magpapahayag sa kanya ng pag-ibig. Silang dalawa ay magpinsan. Makipagsintahan siya kay Nestor ay walang salang magiging bukang-bibig ng madla na sila ang magpinsang "nagpipisan." Kay laking kahihiyan, marahil! At saka si Nestor, ayon sa kanya, ay hindi pa naman tunay na binata kundi bago pa lamang nagbibinata. Kailan lamang ay nakaputot na salawal at ni hindi makuhang ayusin ang buhok. Noon lamang mga nakararaang taon ay lagi silang magkasama sa paglalaro. Madalas pa siyang ipinamimitas ni Nestor ng sari-saring bungang-kahoy sa kanilang bakuran na pagkatapos ay pinagsasalunan nilang dalawa. Kung tanghaling tapat ay madalas silang makagalitan tuloy ng kanyang ina dahil sa hindi nila makuhang matulog at nalilibang sa paglalaro ng sintak sa puno ng hagdan. Ganon na lamang ang sarap ng kanilang matalik na pagsasama na wala silang iniwan sa tunay na magkapatid. Kaya lamang sila nagkahiwalay ay nang ipasok na siya sa kolehiyo. Nagkaiyakan pa silang matagal dahil sa pangambang makalimot ang isa't-isa. Awang-awa siya kay Nestor.
Ngunit noo'y mga batang musmos pa lamang sila halos. Marami ng araw at taon ang nakalipas. Nang kanyang lisanin ang kolehiyo ay magdadalaga na siya. Sa dahon ng kanyang alaala ay malabo na ang titik ng panahon. Nagdaan ang masayang kabataan nila ni Nestor na hindi na niya ganoon nagugunita. Nang magkita sila ng kanyang pinsang binata, pagkaraan ng isang mahabang panahon ng pagkakahiwalay, ay nagkahiyaan sila, kung bakit, at hindi nakuhang magbatian. Si Nestor ay nasilaw sa kanyang kisig at ganda, samantalang siya naman ay nanibago kay Nestor. Binata na pala ito! Ang nasabi sa kanyang sarili. Buhat noon, kung sila'y magkasalubong ay tumutungo siya upang mailagan ang mata ng kanyang pinsang binata at si Nestor naman ay lumilihis ng daan dahil sa malaking pagkaumid at pag-aalang-alang sa kanyang pinsang dalaga.
Kaya ganoon na lamang ang panggilalas ni Ligaya ng tanggapin niya ang sulat ni Nestor.
"Marunong na palang lumigaw ang pilyong yaon," ang wika pang nakangiti.
Ipinalagay niyang si Nestor ay nahihibang. Dili kaya'y nagbibiro. Kaya hindi pinansin ang liham ng binata. Saka ang pag-ibig ay hindi pa rin naman nagigising sa kayang puso.
Pagkaraan ng mahigit na dalawang linggo ay nagsisi si Nestor kung bakit siya nakapagtapat pa kay Ligaya. Wala nga namang unang pagsisisi. Ngayon na lamang niya nakurong malayo siyang ibigin ng kanyang magandang pinsan. Si Ligaya ay tanyag na tanyag sa mga lipunan, mula ng lumabas sa kolehiyo, samantalang siya'y palad ng makadalo sa isang piging minsan sa isang buwan. Maraming maginoo at hombres de profesion na nangingibig kay Ligaya at siya'y isang estudyante pa lamang na pinakakain at pinaghihirapan ng kanyang ama. Isa nga naman palang kabaliwan ang kanyang pag-ibig. Lalong nag-ibayo ang kanyang pagkakimi sa harap ni Ligaya. Kung minsang sila'y nagkakatagpo sa isang sayawan o piging ay hindi niya magawang sumulyap man lamang sa mukha ng kanyang pinsang dalaga, habang yao'y ngingiti-ngiti at parang ikinasisiyang-loob ang makitang siya'y labis na nagugulumihanan.
Nguni't ano ang kanyang gagawin? Siya ay lalaki at lalaking may puso. Ang tibok ng puso ay makapangyarihan. At hindi maaaring pigilin, lalong mahirap at hindi mangyayaring limutin niya si Ligaya. Si Ligaya ay inibig na niya at minahal, sinundan-sundan ng paningin at pinintuho ng buong kaluluwa mula pa sa kanilang kabataaan. Ang isang bagay na naukit sa diwa at napunla sa puso sa panahon ng kamusmusan, ay hindi na malilimot at mamamatay sa habang panahon. Ang mga alaala ng ating kabataan ay siyang matamis sa lahat, sariwa sa lahat at mahal sa lahat. Talagang si Nestor ay hindi nakalimot kay Ligaya. Ewan nga lamang niya kung bakit naparam na sa isip ng dalagang yaon ang kanilang kahapong lipus sa kaningningan ng mga murang guni-guni at masamyo sa pabango ng kawalang-malay. Wala nang masakit na alalahanin na gaya ng mga alaalang nagbabalik sa gunam-gunam ni Nestor. Ngayon siya'y nasa gitna ng luha at lungkot.
Nang hindi nagtamo ng tugon ang ikalimang sulat ni Nestor kay Ligaya, ay niyari sa loob ng binata na hindi na siya muli pang susulat sa pinsang walang puso. Naisip niyang sayang lamang ang panahon at pagod nang magpakabaliw sa isang bagay na tila hindi matatamo. Ang pag-ibig ay may dalawang hanggahan: luwalhati at pagtitiis. Yamang sa pagtitiis siya itinalaga ng tadhana ay tila kabaitan ang sumang-ayon sa gunita ng palad. May araw ding mabibihis ang kanyang pagdurusa. Sadyang ang alin mang pangarap na mahalaga at dakila ay hindi natutupad sa iisang gabi. Kinakailangang maglamay at magpakasakit, magbata at lumuha.
Pinag-ibayo ni Nestor ang pagsisikap sa pag-aaral. Kung siya'y makatapos na ng karera, sa paano't paano man ay hindi na kahiya-hiyang mangibig kahit kanino. Ang titulo ay isang kalasag na malaki ang nagagawa. Kung wala mang paglingap si Ligaya sa kanya ngayon baka kung siya ay isang doktor na ay malamuyot din ang puso at mabagbag ang kalooban ng pinsang walang awa. Kaya nagsunog ng kilay si Nestor.
Samantalang si Ligaya ay patuloy sa kanyang pagkabulaklak ng lipunan. Kung sa bagay ay hindi naman siya katulad ng ibang dalagang pag natatanyag na sa gitna ng palalong sosyedad ay nagkakaroon ng marungis na batik ang iwing dangal at ang angking kabanguha'y napagsasamantalahan ng ilang mapagsamantala. Si Ligaya ay hindi gayon. Habang siya ay napapasa-itaas ay lalo siyang nagpapakalinis, lalong pinag-iibayo ang kanyang kababaang-loob, at katamisan ng ugali, lalong sinikap na siya'y maging karapat-dapat sa mata ng sambayanang nakapako sa kanyang mga kilos.
Pagkaraan pa ng tatlong mahahabang panahon ay nagtapos din si Nestor sa pagka-manggagamot. Isang batang-batang manggagamot na nginingitian ng pag-asa at pinatatapang ng lalong matatamis na pangarap. Datapwat kung ano ang tagumpay ngayon ni Nestor ay siya namang kabiguan ni Ligaya. Dahil sa malabis na pagpupuyat gabi-gabi sa kung saan-saang sayawang idinaraos ng gayo't ganitong samahan at kapisanan, bukod pa sa panonood ng mga dulaan at sine, ang murang katawan ni Ligaya ay hindi nakatagal. Siya'y lumura ng dugo at unti-unting nangayayat. Dahan-dahang nalanta ang rosas sa kanyang dalawang pisngi at naglamlam ang langit sa kanyang mata.
Nang mabalitaan ni Nestor ang kaawa-awang kalagayan ni Ligaya ay dali-daling inihandog ang kanyang tulong. Ang pinsang dalaga ay tumalima naman sa kanyang mga tagubilin. Ang buong panahon at pagsisikap ni Nestor ay inukol na lahat sa pagpapagaling ng karamdaman ng kanyang minamahal.
"Malulunasan mo pa kayo ako, Nestor?" ang tanong sa kanya minsan ng maysakit.
"Oo, gagaling ka, pagagalingin kita, aalagaan kita," ang masuyong sagot ni Nestor.
Isang matamlay na ngiti ang itinugon ng dalaga. May apat na buwan na si Ligaya sa kanyang cottage sa mataas na siyudad ng Baguio . Ang sariwa at malinis na simoy ng hangin, ang mabibiyaya at katangi-tanging singaw na nagmumula sa pusod ng mga bundok at ang mabuting paraan ng panggagamot ni Nestor ay siyang nagkatulong-tulong upang lubusang bumuti ang karamdaman ng paralumang maysakit. May dalawang buwan pa lamang si Ligaya sa itaas ng Baguio ay tumigil na ang paglura ng dugo, sumunod ang pagkapawi ng ubo sa gabi at sa umaga. Nanumbalik din ang dating mapulang kulay sa kanyang mukha at nanauli ang bulas ng kanyang katawan.
Isang malamig na gabing ang buwan ay parang nakabitin sa langit na mangasul-ngasul, si Nestor at si Ligaya ay mapayapang nangakaluklok sa dalawang silyon sa lilim ng mayayabong na puno ng isang puno.
"Salamat sa iyo, Nestor," anang binibiro, "utang ko sa iyo ang aking buhay. Ano kaya ang maibabayad ko sa iyong kagandahang-loob?"
"Ligaya," anang binata naman. "Pinagaling ko ang iyong sakit sa tulong ng Maykapal. Datapuwa't ang karamdaman ko ay hindi mo pa nalulunasan hanggang ngayon."
"Anong karamdaman mo?"
"Ang karamdaman ng aking puso."
" Aba , si Nestor, hindi mo pa ba nalilimot ang bagay na iyan?"
"Kailan man ay hindi! Ang aking pag-ibig ay malala kaysa dati, Ligaya, lalong malubha."
"Ano ang sasabihin sa atin ng tao? Magpinsan tayo'y..."
"Sa pagsinta ay walang magpinsan, " ang putol ni Nestor. "Lalong mabuti sapagka't iisa ang dugong nananalaytay sa ating mga ugat, iisa ang ating damdamin, iisa ang ating puso. At bakit natin pakikinggan ang sasabihin ng tao? Ang dila ng tao'y talagang makasalanan at hindi marunong humatol. Alalahanin mo ang ating kabataan, ang pagmamahalan natin noong tayo'y mga batang musmos. Hindi ka ba nanghihinayang sa lahat ng yaon kung ikaw o ako, ngayong kita'y may gulang nang ganap, ay mapasaibang kamay at mapasaibang dibdib?"
"Ngunit".
"Huwag ka ng magdahilan, Ligaya. Sabihin mo na sa aking ako'y minamahal mo. Ang laman ng iyong puso ay nakasulat sa iyong mga mata, kaya huwag mo na sanang susian ang iyong bibig.
Hindi na nakuhang magmatuwid ni Ligaya. Ang katotohanan ay matagal na rin siyang umiibig nang lihim kay Nestor at malaon na ring nanariwa sa kanyang puso ang matamis na alaala ng kanilang kabataang yumao.
Bago sila naghiwalay ng gabing yaon ay pinabaunan muna niya si Nestor ng isang matamis na halik at inabutan ng isang bulaklak ng everlasting.
"Hayan ang aking pag-ibig."
"Pag-aralan mo sanang mahalin."
Nabalitaan na lamang ng lahat sa kahanga-hangang siyudad na rin ng malamig na Baguio idinaos ang luna de miel ni Ligaya at ni Nestor.
MAGPINSAN

KRISTAL NA TUBIG
Ni Antonio B. L. Rosales
Sa malinaw na tubig ng ilog ay nasisinag niya ang isang larawan ng kamusmusan. Kinalawkaw niya ang tubig at nagsingsing-singsing ang mumunting alon...na nagpalabo sa larawan. Makailang saglit ay nanumbalik ang katiningan, ang nabulabog na tubig ay luminaw at muli niyang nasalamin ang kaayaayang larawan ng kamusmusan.
"Bakit, Itay?" anang isang tinig-anghel na nagmumula sa musmos na mukhang nakakatang sa kaniyang balikat at nakatanaw sa tubig. "Bakit, Itay, ang ating basong kristal, hinampas ko lang kahapon e nabasag na? Bakit ang tubig e hindi nabasag, ha, Itay?”
Ang musmos na mukha ay pinupog niya ng halik.
"Talagang ganoon, Anak." At si Tasio ay napangiti. Dinampot niya ang sagwan, ang kristal na tubig ay umalimbukay sa hampas nito, at ang bangka ay itinabi niya sa pampang. Kinalong niya si Nene, marahang inilunsad at tinunton na nila ang landas na pauwi sa kanilang dampa.
Ang mga kasinungalingan ni Nene, ang sutsot ng hanging naglalagos sa kakapalan ng mga dahon, at ang awit ng mga ibon ay hindi na mapukaw sa diwa ni Tasiong nawala sa pagmumunimuni. Napakintal sa kanyang isipan ang kristal na tubig sa ilog, na kinasinagan niya sa isang larawan ng kamusmusan: sa mukha ni Nene. Napalimbag sa kanyang diwa ang musmos na katanungan ni Nene. A, ang kristal na tubig nga naman ay di nababasag, ni di nagkakalamat!
Isang makahulugang ngiti ang namilaylay sa mga labi ni Tasio, na wari'y pinagitaw ng pagbubukang-liwayway ng isang katotohanan. Hamakin nga nila nang hamakin, dustain na nga nila nang dustain si Nene... ngunit ang dangal nito, ang kawalang-malay nito, ay kristal na tubig!
Nakalapat na sa unang baytang ng kanilang hagdan ang kaniyang paa nang ang kristal na tubig ay lumabo at maparam sa kanyang dilidili. Pagkapanhik ng bahay ay hinubdan niya ng maruruming damit si Nene at sinuutan niya ng malinis. Sinuklayan niya, binigyan niya ng laruan, pinupog ng halik at tinungo niya ang batalan na dala ang maruruming damit. Ang malalaki't magagaspang niyang kamay ay kakatwang malasin kung nagkukusot sa mumunting kasuutan ni Nene. Kung sa bagay ay malimit na hinihingi sa kaniya ng mabait niyang kapitbahay na si Tandang Berta ang maruruming damit ni Nene upang siya na ang maglaba, ngunit si Tasio ay tumatanggi.
"Kung buhay si Ninay ay ganito ang kaniyang gagawin," ang naibubulalas ni Tasio kung pinapangatwiranan niya sa kaniyang sarili ang pagtanggi niya kay Tandang Berta.
Pagkatapos niyang maglaba ay inatupag naman niya ang mga gawaing kinagawian na niyang gampanan, ang mga bagay na "kung buhay lamang si Ninay ay siya rin nitong gagawin". Sinulsihan niya ang mumunting damit ni Nene, pati na ang dati'y marikit na kasuutan ng manyikang ipinamasko ng isang nars kay Nene nang nakaraang Pasko.
Kinagabihan, matapos niyang iligpit at hugasan ang kinanan nilang "mag-ama," ay naupo siya sa sahig, gaya nang kanyang kinagawian, sumandal sa dingding at si Nene ay iniupo niya sa kanyang kandungan. Sinakit niyang sariwain sa gunita ang mga kuwentong malimit na ipinang-aliw nina Impong Teray at Apo Siano sa mga bata, mga kuwentong nauukol sa mga hari, mga prinsipe't prinsesa, mga hayop na nagsasalita, mga duwende, at sarisari pang di matarok na mabuti ng kaniyang isipan... dangan at "kung buhay si Ninay ay ganito rin ang kaniyang gagawin"...
Dumalang-dalang ang pag-uusisa ni Nene, at ang kanyang musmos na mukha ay napapayukayok na sa pagaantok. Si Tasio ay tumayo at si Nene ay ipinagduyan niya sa kaniyang bisig. Ang mga kuwento ay nahalinhan ng mga awit na kagaya ng naririnig ni Tasio kay Tiya Sela kung ito'y may ipinagheheleng sanggol. Gumagaralgal ang kanyang tinig, kung saan-saang himig napapatungo ang kanyang kanta, dangan at "kung buhay si Ninay ay ganito rin ang kaniyang gagawin".
Nang si Nene ay nahihimbing na ay inihiga niya sa banig na nakalatag sa kanilang sahig na kawayan. Mataman niyang minasdan ang musmos na mukha. Parang pinilas kay Ninay...
May ilang taon na ang nakalilipas mula nang ang mukhang pinaghuwaran ng kaayaayang larawan ni Nene ay lagi na lamang niyang pinupupog ng halik. Sariwang-sariwa pa sa kaniyang gunita... Si Ninay ay ipinagkait sa kaniya hanggang sa napilit-pakasal sa iba. Nakararaan lamang ang isang buwan, ang mukhang yaon, kung di man uliran sa dilag ay lubha namang kaayaaya, lubhang kaibig-ibig sa kaniyang mga paningin, ay sumungaw sa pintuan ng kaniyang dampa.
Si Ninay ay di na umalis pa sa dukhang tahanan ng maralita niyang talisuyo. Naisumpa na niyang matapos niyang isanla sa iba ang kaniyang katawan, ang puso niya ay siya naman niyang tatalimahin.
Si Tasio ay di nagpinid ng dibdib. Kinupkop niya si Ninay, sapagkat ang pag-ibig naman niya ay di nabibilanggo sa makitid na pagnanasa. Ay ano kung ang bungangkahoy ay naukit ng ibon nang mahulog sa kaniya? Nasa kay Ninay pa naman ang puso, nasa kay Ninay pa naman ang kaluluwa.
Nang sumilang si Nene ay una siyang naratay sa piling ng isang bangkay, ng bangkay ni Ninay! Natuto siyang ngumiti, natuto siyang magsinungaling sa gitna ng pag-ismid ng isang buong nayon. Sibol sa katawan ng isang babaeng talipandas! Supling ng inaaruga ng makasalanang pag-ibig!
Sa ulilang "mag-ama" ay lagi na lamang nakatudla ang mga mapang-uyam na paningin ng kanilang mga kanayon. Kung namamasid nila si Nene, sila ay napapaumis saka napapasulyap kay Tasio, nang may halong pagkutya.
Sa harap ng ganitong paglibak at paghamak ng isang nayon ay ikinulong ni Tasio ang kaniyang sarili sa sarili niyang daigdig, upang doon ay mapagpala niya ang "pamana ng isang pag-ibig", ang walang malay na si Nene. Kung buhay si Ninay ay ganito rin ang kaniyang gagawin!
Kinabukasan, namimitak pa lamang ang araw ay nagbangon na siya, gaya nang kaniyang kinagawian. Sinimulan niyang tungkulin ang kaniyang "pagka-ama", ang pagbabanat ng buto alang-alang sa ikabubuhay ni Nene, upang pagkatapos ay dulutan ng pagkakandili ng isang ina ang kulang-palang ulila.
Ang pagsasabalikat ng mabibigat na tungkulin ng isang ama at ng isang ina, na pinalulubha pa ng malulungkot na alalahanin at ng pagtatakwil ng isang nayon, ay nahahalata sa namamayat nang pangangatawan ni Tasio. Kung gabi'y pinagpupusan siya. Kung sinasasal niya ang ubo ay napapatawag na siya kay Bathala, alang-alang sa walang malay na "pamana" ni Ninay.
Nang mapauwi siya ng bayan, isang araw, may nakita siyang isang malaking trak na pinagkakalipumpunan ng mga tao. Samantalang nanonood siya'y nilapitan siya ni Kakang Terio.
"Tasio, mabuti'y patingin ka riyan," ang wika ni Kakang Terio.
" Aba , ano ang patitingnan ko riyan?" ang patakang sagot ni Tasio. Ngunit nahila na siya ni Terio. Sinalubong siya ng ilang suot-nars at doktor. Nag-uulik-ulik man siya'y di na siya nakatutol. Hinubdan siya ng baro at sinilip sa isang parang pangkuha ng larawan, na ayon sa pagkarinig niya ay tinatawag na x-ray. Pagkaraan ng ilang sandali, siya'y kinausap ng doktor bago pinauwi.
Pagkarating niya ng bahay, ang mga pisngi ni Nene ay walang nasalubong na matatamis na halik. Ang umuwi ng bahay ay isang bagong Tasiong wari'y nagmula sa isang mapanglaw na kabilang-buhay. Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa isang bangko' at doon ay napapako siyang kawangis ang isang bantayog. Nakatitig sa malayo ang kaniyang mga paninging tila di man lamang kumukurap. Maging ang kristal na tubig na lagi nang nakapupukaw sa kaniyang isipan ay nanlalabo na tila noon kung malasin niya sa kanyang gunamgunam.
Si Nene, na naghahanap ng init ng kaniyang mga labi, ay lumapit at kumandong sa kaniya. Ngunit ang murang katawan ng ulila ay hinawakan niya at inilayo.
"Malaki ka na Nene," ang nawika niya sa isang tinig na siya man halos ay di makarinig.
"Di ka na dapat pang halikan," ang kaniya pang wika, na sinundan ng sunod-sunod na ubo. Sa kaniyang namamarak nang pisngi ay namalisbis ang luha. Si Nene ay napatingin kay Tasio, at tila ba dinadalumat ng kaniyang pahat na isipan kung ano ang nangyayari sa kaniyang "ama".
Nang mapuna ni Tasio na siya ay pinagmamasdan ni Nene ay pinahid niya ang kanyang luha. Dinampot niya ang isang tagpi-tagpi ng damit nito at sinimulan niyang sulsihan. Ngunit ang kaniyang mga daliri ay lagi na lamang naduduro ng karayom. Kaya binitiwan niya ang damit at nanumbalik siya sa pagkatigalgal.
"Maliit ka pa, Nene," ang namulas sa kaniyang mga labi, ngunit siya lamang nakakarinig. Maliit nga at bata pa si Nene: tatatlong taon pa lamang. Ngunit musmos pa'y dinudusta na. Siya, siya lamang, si Tasio, sa kabila ng paglibak ng isang nayon ang tanging tagapagkandili ni Nene sa daigdig na ito, siyang tanging ama't siyang tanging ina. At anang doktor... iilang buwan na lamang ang kaniyang buhay!
Bigla niyang sinaklot si Nene at dinalang papanaog. Maglalakad siya, maglalakad ng maglalakad hanggang makatagpo siya ng mapapagkatiwalaan kay Nene. Naroon si Tiya Nena, na iisa ang anak. A, ngunit si Tiya Nena ay namumuhi sa kaniya. Sa bayan ay may isang mapagkawanggawa. Si Don Bartolo; maaandukha niyang mabuti si Nene, mapagbibihis ng maganda, mabibigyan niya ang marikit na laruan... Ngunit si Don Bartolo ay mayaman; si Nene ay hindi masisiyahan sa isang kakaibang daigdig. At si Nana Upeng? A, si Nana Upeng pa kayang maselan ang makakawatas kay Nene?
Hindi maaari, hindi maaaring mawalan ng isa man lamang sa buong daigdig na ito na makakapagkalinga nang wasto kay Nene! Ngunit lahat na'y tila nagtatakwil kay Nene, at kung may tumatanggap man ay upang ipasok lamang siya sa isang daigdig na di niya nawawatasan at di nakakawatas sa kaniya.
Lumalatag na ang dilim nang ang "mag-ama'y" magbalik ng bahay. Si Tasio ay patang-pata. Si Nene naman ay natatalinghagaan sa mga kakaibang kilos ng kaniyang ama, na di maabot-abot ng kaniyang murang isipan.
Nalalagas ang mga araw ay nauupos nang nauupos ang buhay ni Tasio. Ngunit di pa niya natatagpuan ang karapat-dapat na kamay na makakapag-kupkop sa kaniyang si Nene. Sa gitna ng kaniyang kasiraang-loob ay naisipan na niya tuloy ang dumulog sa mga magulang ni Ninay o dili kaya'y sa tinakasan nitong kaisang-puso, na siyang tunay na ama ni Nene... ngunit nangalisag ang kaniyang balahibo... hindi niya magagawa!
"Iilang buwan na lamang!" anang doktor. At ngayo'y nakalilipas na ang ilang buwan. Nababanaagan na ni Tasio ang mapanglaw na wakas. Ngunit si Nene!
Si Nene ay itinakwil pa rin ng di nakawawatas na daigdig. Si Tasio ay natabunan na ng kasiraang-loob. Ang kaniyang puso'y nginangatngat na ng poot sa sangkatauhan. Kay lawak ng sangnilikha ay walang isa mang kaluluwang nakawawatas kay Nene, maliban sa kanya!
Magdadapithapon na nang magunita niyang muli na naman niyang nakaligtaang dalhin si Nene sa ilog upang doon ay magtampisaw, mamangka at humanga sa kristal na tubig. Kaagad niyang binuhat si Nene at mabilis nyang tinungo ang ilog.
Mabining umaagos ang tubig sa ilog. Ang lagaslas, ang mga ibon, ang hanging naglalaro sa mga dahon ng kahoy, ay nagsasaliw sa isang kaayaayang tugtugin ng kalikasan. Ang malamlam nang sinag ng araw ay tila ba nalulunoy sa tubig.
Si Tasio ay napatigalgal. Ngayon lamang siya napuspos ng panggigilalas sa kalikasan. Napapako ang kaniyang paningin sa kristal na tubig. Biglang nagliwanag ang kaniyang mukha. May isa nang inang makapagkukupkop kay Nene!
Kapagdaka'y dinampot niya ang batang nawiwili pa noon sa paglalaro sa buhanginan. Tinungo niya ang bangka at mabilis siyang sumagwan.
"Natagpuan ko rin ang kaligtasan!" ang kaniyang bulalas.
Pagdating sa gitna ay itinigil niya ang bangka. Hinawakan niya si Nene, itinaas ... ilang iglap pa'y nalagak na ito sa sinapupunan ng Inang Kalikasan.... Ngunit napatitig siya sa kristal na tubig. Nasinag niya ang larawan ng kamusmusan. Nagunita niya ang musmos na katanungan ni Nene. Batuhin man nang batuhin, yurakan man nang yurakan, ang kristal na tubig ay di nababasag. Bakit niya katatakutang maiwan sa isang mapanlibak at di nakawawatas na daigdig ang isang walang malay na si Nene kung ang puri't dangal nito'y kristal na tubig?
Siya namang paghihip ng hanging may inihahatid na isang awit, ang awit ng isang inang may ipinagheheleng sanggol. Napatitig siyang muli sa kristal na tubig. Nasinag niya ang isang matamis ngunit malungkot na gunita: si Ninay. Ang lagaslas ng tubig, ang awit ng mga ibon, ang sutsot ng hangin ay naitaboy sa kaniyang pandinig ng awit ng inang may ipinagheheleng sanggol.
Ibinaba niya si Nene at hinawakan niya ang sagwan. Ang kaniyang mga tikhim, na nabubunot sa isang maysakit na dibdib, ay sumasalit sa mga hampas ng sagwan at sa sagitsit ng bangka sa kristal na tubig, samantalang sa hangin ay patuloy na nagduruyan ang awit ng ina. Sumadsad ang sasakyan sa pampang, kinalong niya si Nene, ipinagduyan niya sa kaniyang mga bisig, saka ang gumagaralgal niyang tinig, na halos naiimpit ng nangangapos niyang hininga, ay sumaliw sa awit ng inang may ipinagheheleng sanggol.
“Kung buhay si Ninay ay ganito rin ang kanyang gagawin”...