Dilag ng "Ballet"
Ni Alberto Segismundo Cruz
(Unang nailathala ng Liwayway, 19 Hunyo, 1950; naulit sa Asian Journal noong Nobyembre 5, 2010
http://www.scribd.com/doc/41218917/Asian-Journal-Nov-5-2010)
Pusikit na karimlan . . .
. . . pagkatapos ay isang maliit na anag-ag ng liwanag . . na lumaki nang lumaki hanggang sa lumawak at masaklaw ang boong "telon"!
Ang paghahalili ng dilim at liwanag ay "naganap" sa mukha ng puting tabing ng tanghalan... Kaya't kinusot ko ang aking mga mata at nang maititig na muli ay nahawi na sa wakas ang "telon". Napatambad sa mata ng madla ang isang marikit na tagpo sa pusod ng kagubatan,. samantalang ang gasuklay na buwan ay naliligiran ng mga bituin.
At sa gitna ng tanghalan ay biglang napakita ang buhay na larawan ng
mapaghimalang si Pavlova kundi man ng lalong marilag na Syd Charisse sa
makabagong sining sa harap ng dambana ni Terpsikore.
-- Ang "ballerina"! -- namutawi sa aking labi, sa gitna ng paghanga at pag-ibig.
Isang malambing na himig ng musika ang aking narinig. At, ang mananayaw na nasa tanghalan ay naging tunay na "hada" sa aking paningin. Ang dulo ng mga daliri ng kanyang mga paa na siyang nakasayad lamang sa hapag ay waring may gulong na tumataas at bumababa sang-ayon sa kumpas. Hindi nakikita ang mga daliring iyan, sapagka't natatago sa ku1ay-rosas na sapin ng may magagandang hugis niyang paa. Nguni't para ko rin ngang namamasid, katulad ng pagkaguniguni ko sa magandang hubog ng kanyang binti at hita... na sanhi sa damit na rosas na sutlang nakakapit sa kanyang katawang parang nilalik ng isang eskultor ay walang iniwan sa tangkay ng isang alehandriya ...
Matalinghaga wari, nguni't siyang katotohanan. Siya ang tinatawag na Dilag ng "Ballet" - ang "ballerina" na nakikipaghabulan sa paruparo, sa mapuputing
kalapati, at nang gabing yaon -- ayon sa tagpo't diwa ng dulang yaong
isinisiwalat sa indak, kilos at galaw ng mga bisig at katawang katugon ng mga
nota ng musika -- ay "nakikipaghabulan" sa mga bituin sa langit.
Nguni't "balierina" man siyang nagpapaindak pati sa puso ng nanonood ay babae ring anak ni Eba, sa katotohanan. Sapagka't babae ay maaaring maging larawan ng tunay na kagandahang pinaka-kaluluwa ng sining. Sa kaluwalhatian ng isang tunay na alagad ni Terpsikore ay naniwala akong siya ay isinugo ng Tadhana upang magbalik ang isang panahong mabulaklak sa buhay ng isang kinapal sa lupa, lalo na sa isang lalaki.
Bagamang may bahagya siyang "make-up" ay hindi rin maikukubli sa aking pagkilala kung sino siya. Sa palagay ko, wala man siya sa tanghalan at hindi niya niluluwalhati ang sining ni Pavlova, ay gayun din siya sa akin – siya ang Mutya kong Kakilala – na habang dumaraan ang mga araw ay lalo namang nalalapit sa aking puso.
Paano'y kaugnay ng isang "kahapon" ang. kasalukuyan. Ang ibig kong sabihin ay kaugnay ng katotohanan ng "ngayon" ang mga pangyayaring wari'y likha ng mga guniguni't pangarap ng kabataan ng isang nakalipas . . .
Noo'y isa siyang paslit na katulad ko. Sila lamang mag-anak -- ang mga
Olivera – ang pinakamalapit naming kapiti-bahay sa Gulod.
Siya si Amelia, ang marilag na batang babae na ipinanganak na hindi makalad.
Kung sinuri man ng mga manggagamot ang kanyang kalagayan, ang mga alagad na ito ng karunungan sa panggagamot ay naniniwala nang mga araw na yaon na wala silang lunas na mailalapat. Kaya naman, ang mag-anak na Olivera ay nanghawak na lamang at umasa sa mga hilot at mga katas ng dahon o ugat ng kahoy sa kabundukan, na siyang inilalanggas o ipinapahid kung minsan.
Nag-aral si Amelia sa isang bahay-paaralang pinakamalapit, ngunit kinailangan
siyang pangkuhin habang daan, matapos na maibaba sa isang karitela ng kanyang mahal na ama, si Mang Ponso, ang kilalang tahur sa lalawigan. Sa paaralang iyan ay nagkakilala kaming mabuti ng batang hindi makalakad, at hindi miminsang naging mabisang katulong ako sa kanya, gaya halimbawa kung nakikidala sa akin ng mga aklat.
Nagdaang paganyan ang mga pangyayari sa takbo ng buhay namin hanggang sa kami'y makarating sa isang tanging paaralang pinamamahalaan ng isang samahan ng mga guro at mangangakal sa Gulod at mga karatig sa bayan ng Kamyas. Sapagka't ganap na ang aming isip ni Amelia, kaya't malawak-lawak na rin ang paksang napag-uusapan namin. May mga hapong kulimlim ang araw na kaming dalawa ay nananatili sa bakuran ng paaralan at sa lilim ng isang malabay na punong-mangga ay nag-uusap -- pag-uusap na sumasaklaw sa sanlibo't isang pangarap ng kabataan.
-- Mely, ano ang pangarap mo? – usisa ko.
-- Hindi ako nangangarap! -- malambing niyang-tugon na ikinindat pa ang
magagandang kilay.
-- Hindi maaari iyan, -- ang puna ko. -- Naglilihim ka sa akin.
-- Kung gayon ay sasabihin ko sa iyo! -- pagtatapat niya.
-- Ibig kong kung ako'y lumaki at ganap na gumaling ay makapagdulot ako ng aliw sa madla! -- ang pahayag niya.
-- Amelia, hindi kita mawatasan! – wika ko.
-- Meynardo, -- malambing niyang pakli sa akin. – Ibig kong ako'y maging isang
artista - isang alagad ng sining. Ang dinaramdam ko nga lamang ay kailan ko pa kaya maigagalaw ang aking.mga paa, binti at hita na katulad ng ibang kinapal, -- saka namula ang magaganda niyang mata.
-- Huwag kang malungkot, Amelia,-- payo ko sa kanya – kung ano ang kahilingan sa Diyos ay siyang ibibiyaya sa sinumang humihiling, kung karapatdapat.
At siya'y napangiti. Saka hinawakan ang kanan kong kamay, na para bagang
nagpapasalamat sa narinig.
-- Nakangiti ka na, Amelia, -- sabi ko. -- Lalo kang maganda kung nakangiti at
pinipigil na pumatak ang luha sa iyong mata.
Hindi na tumugon pa si Amelia.
Nagdaan ang maraming taon.
Ako namang si Meynardo lamang, kung tawagin ng aking kababata, ay tinangay na rin ng kapalaran sa kung saan-saang dako. Hindi ko natapos ang aking karera, kahi't gayon ang nais ng aking mga magulang, sapagka't ninais ko ang maging manunulat na lamang. Isang hangarin sa buhay na ikinapoot sa akin ng mga bathala ko sa lupa. Kaya't ako'y naging isang manunulat sa isang pahayagan. Nang una ay sa isang bayan o lunsod sa Timog. Pagkatapos ay napabalik na rin ako sa Maynila, at sa tinagal-tagal ng panahon, ay napabilang sa "staff" ng isang malaking pahayagan sa pangulong lunsod na ito ng Kapuluan.
Sapagkat ako'y' dalubhasa sa pagsulat ng mga balita sa sining, lalo na sa dulaan
at opera, kaya't ako ang laging sinusugo ng aming patnugot sa anumang pagtitipon o "palabas" ng lipunan -- ng mataas na lipunang sumasamba kay Taya o kay Terpsikore.
Nariyan ang aking pag-ibig. Ang puso kong makata ay laging nakakatagpo ng
magandang salamisim sa malambing na tinig ng isang mang-aawit. Ang diwa kong mapangarapin ay nakatatanaw ng maluwalhating pangitain sa maririkit na talon ng dulang itinatanghal sa maayos at masining na pagtupad ng mga mandudula o artista. Ako rin ang unang lumikha ng mga salaysay o puna sa mga nagsisiganap na ito sa tanghalan, kabilang na ang bod-a-bil.
Datapuwa't nang dumating sa Pilipinas ang makabagong sining ni Pavlova ay lalong nahaling ang aking puso. Bumili ako ng isang aklat na galing sa Estados Unidos, sa tulong ng isa kong kaibigang nag-aara1 doon. Lahat ng napapalaman ay nauukol sa tinatawag na "ballet" o sa "ballet dancing". Kaya't lalo kong nawatasan ang teknisismo ng sayaw na ito na nakagiliwan kong lubha, lalo na ang isinisiwalat na kasaysayan ng sayaw na kung tawagin ay "Dying Swan"
Sa katotohanan ay ako lamang ang tanging manunulat sa sining na nakatagpo ng maiinam na pagkakataon sa pagtupad ng tungkulin, sa kapakanan ng pahayagang pinaglilingkuran. Nakilala ko ang maririlag na bathala na tinatawag nating "mataas na lipunan"; nakabiruan ko ang lalong maririlag na artista; nakasulatan ko at natatawagan sa telepono ang sinumang naisin kong makasulatan o makatawagan; anupa't naging bantog ako at naging pulot at gata ako ng kadalagahang alagad ng sining, kabilang na rito ang nabibilang sa hanay ng "amateur".
Sa kabila ng lahat nang ito, ay hindi pa rin ako nasisiyahan.
Nasa gitna ng malinaw na batis na masasalukan ng inumin ay nauuhaw pa rin; nasa gitna ng dulang ng masaganang pagkain ay waring nagugutom pa rin; at
ipinaduruyan aug puso sa mga biyaya ng mapagpalang salamisim ng buhay ay tila inaabot rin ng luksang anino ng dalamhati't pag-aalinlangan!
Paano'y may hinahanap, may pinananabikang makatagpo at makausap. May nawalang hiyas na nawaglit nang kung ilang taon at siyang tinutunton at binabakas-bakas sa landas ng isang bagong panahon. O! malupit na hagkis ng lumipas . . . masaklap na apdo ng Kahapong dumadalaw sa kasalukuyang
panahon ng kabalintunaan sa buhay!
--Meynardo! – nasabi ko sa aking sarili. -- Kung kalian ka tumanda ay saka ka pa
nabaliw. Akala ko'y mag-iisa ka na habang buhay. Hindi mo na kailangan ang
Pag-ibig. Saka ngayon ay naghahanap ka na naman. Baliw, baliw ka, Meynardo.
----------------
Isang hapon ng Hunyo ay naparaan ako sa dulaang "Zorilla". Kinailangan kong makapanayam ang tagapangasiwang Italyano ng isang kompanyang nagtatanghal. Nais kong mabatid ang palatuntunan sa boong panahon
ng pagtatanghal ng "compania" rito sa Maynila.
. . .At himala ng mga himala! Sa pagitan ng mga likmuan o sa isang pasilyo ay
natuklasan ko ang isang bagay na parang itinuro sa akin ng Tadhana.
Isang sapin sa paa ng isang "ballerina"!
Ito kaya ay kangino? Ito kaya'y nauukol sa isang makabagong Sinderela? Ari kaya ito ng . . . isang marilag na artista?
Ibig ko sanang ipagkaloob sa "empresario" ang bagay na aking napulot. Nguni't nagkaroon ako ng isang tanging pagnanais na maiabot ko sa kinauukulan ang sapin sa paa. Naisip kong lalong tumpak na sabihin ko ang ganito, kung sakali.
-- Sinderela, narito ang nauukol sa iyong magagandang paa . . . Ipaubaya mo
sanang ako na ang magsuot at pagkatapos ay pabayaan mo na ring mailagda sa mapuputi mong paa ang halik ng aking pag-ibig.
Hindi nagkabula ang aking baIiw na hangad at pagnanais. Nakilala ko ang
"ballerina" o ang "dilag ng ballet" nang kunan ko ng "interview" sa silid ng
Metropole Hotel.
At nang magpasalamat siya sa akin ay ipinahayag ko nga ang nasa unahan nito.
-- Hindi kayo matandain, -- ang wika niya.
-- Hindi nga po, sapagka't tumatanda na akong lubha sa hanap-buhay kong ito, -- saad ko naman.
Napahalkhak ang dilag.
At, sa harap ng "empresario" ay halos inibig ko nang usisain ang aking kapanayam. Paano'y parang kilala ko siya. Waring siya'y si . . . Nguni't paano? Malalabas ang usapan namin at malalayo sa aking tunay na layon. Saka kaharap ang dayuhang nangangasiwa sa palabas sa dulaan. Lalalabag ako sa
magandang asal.
Nguni't dumating ang gabi ng mga gabi. Nang itanghal ang kaunaunahang "ballet" sa Pilipinas ay saka ko napaghulo kung sino ang Luwalhating iyon ng Sining.
Ibig kong sumigaw sa tanging likmuang inihanda sa akin ng "empresario".
Ibig kong lumapit na noon pa lamang sa nagsasayaw. Datapuwa't hindi ko mapagwari kung paano nangyari ang gayon. Diyata't ang isang dalagitang lumpo ay maging malakas at matipuno saka naging isang tanging mananayaw pa sa tanghalan – naging isang tunay na alagad ni Pavlova, pagkatapos? . . .
Hindi naglaon natanggap ko ang "kasagutan".
Matapos na maibaba ang tabing sa huling tagpo ay iniabot sa akin ng utusan ng Dilag ang palatuntunan. Ang pangalang "Zita" ay may mariing guhit ng lapis at sa ibabaw ay maliwanag ang nakasulat, "Amelia".
-- Siya! Diyos ko! – at ako ay sumugod sa silid ng dulaan na parang nakalimot sa
aking sarili.
-- Amelia! -- ang sigaw ko.
-- Oo ako nga – malambing niyang wika – Natatandaan ko ang iyong sinabi:
"Kung ano ang kahilingan sa Diyos ay siyang ibinibiyaya sa humihiling, kung karapatdapat."
At nahagkan ko ang kanyang mga kamay . . .
-- Mahaba rin ang naging kasaysayan ng aking paglulunggati upang ako'y gumaling. Nguni't ipinagsama ako sa Europa ng aking aleng masalapi at sa tulong ng Diyos at ng isang "especialista" roon ay gumaling din ako. Pagkatapos ay nagpakadalubhasa ako sa sining na aking pinakagigiliw.
-- Salamat sa Diyos! -- aking naibulong. – Dumating din sa wakas ang anghel ng aking buhay at pag-ibig . . .
-- Nguni't . . . -- ang wika niya. – Saka inilantad sa aking mga mata ang isang
sinsing sa maganda niyang daliri.
--May-asawa ka na? -- tanong ko nang boong pagdaramdam.
Ngumiti siya, namula ang mga mata at lalo siyang gumanda katulad ng dati, kung pinipigilan ang pagpatak ng bugtong na luha sa mga mata . . .
-- Oo, Meynardo! Ang "empresario". . .
Noon nagdilim sa akin ang maliwanag at dating masayang daigdig.